Bochekokik
Queen Member
   
Offline

I Love PBF!
Joined: 12/02/08 at 12:21:37
Posts: 801
Baguio
Gender:
|
welcome to the forum businessminded-lawstudent.
For your questions 1. Magkano ang initial investment? Mas maganda kung mag aral o magpaturo ka muna kahit basic beekeeping lang muna. Dito mo kasi matutunan ang mga "dos and donts" sa pag aalaga ng bubuyog. Mamaya bumili ka ng colony eh namatay naman, sayang pera. Magiging part ng investment mo ang training/ojt sa mga apiaries (whichever method you may want). Training fee ranges from P2k to P5k. Now you have your training and very eager to start. Kailangan mo ng nucs. Payo ko lang start small. Kahit 1 or 2 nucs lang para pag pumalpak man eh hindi ganun kasakit. Para kasing praktis mo pa lang ito. Pag nag ok ka sa maliit, kahit ikaw na mag expand. 4framer nucs -> P5k to P6k Veil -> puwedeng improvised from fishnets or mosquito nets. hivetool -> puwedeng improvised, ang gamit ko nga pinalatero na lumang stainless bumper ng jeep. smoker -> huli na namin ito binili P1.5k Standard 10 framer hive -> P2k depende sa seller. Kakailanganin mo lang ito kung malaki na ang colony at masikip na sa nuc
So far ito ang mga kailangannin mo pansimula. More or less mga P10k.
Now if you are addicted to beekeeping like most of us here, you can start acquiring other equipments lik extractor, etc. You may also want to invest in woodworking tools, sky is the limit kasi sa beekeeping, pag may kahoy, gawa agad ng kung ano anong experiment sa hives. It does help kung medyo maruning ka mag lagare at mag martilyo.
2. Saan ilalagay ang hive? Maraming beeks dito na nasa rooftop ang hives nila. As long na hindi mo ito ilagay sa daanan ng tao, you should be ok. Hindi naman maghahanap ng away ang bees unless otherwise proviked. Pag sinipa mo ang hive, ibang usapan yun. Pero kung andun lang ang hive sa isang tabi, you and your neighbors should be ok. Ginawa ko sa set-up namin, may vacant lot sa tabi ng apartment namin, kinausap ko yung may ari na kami na maglinis at mag ayos ng lupa nya, iwas squatter pa, kaya ayun, pumayag, andun mga colonies namin. Mutual agreement sa may ari ng vacant lot. Pag dumami na ang colonies mo, then thats the time na kailangan mo na ng ibang lugar na mapaglagyan ng bees.
3. Saan makakabili ng bees at equipments? Mas maganda kung may beekeeper na malapit sa yo, sa kanya ka na bumili ng bees para less transport cost. As to the equipments, contact mo UPLB, puwede ka bumili at ipa LBC na lang nila ang items sa yo. Bayad ka lang sa bank bago nila maipadala ang items sa yo. Puwede ka rin mag improvise ng mga tools, gaya ng hivetool gawa sa lumang bumper. Sky is the limit sa imagination.
4. Paano at saan maibenta ang products? Sa simula, wag mo muna isipin income, imposible na makakauha ka agad ng toneladang honey sa 4 framer na colony mo. Start small, expect small, kumbaga pang personal consumption muna. Pag dumating ka na sa punta na 100kgs na harvest mo, nothing to worry, kinakapos ang honey supply dito sa pinas, at hindi ka dapat matakot pag hindi nabili ang honey mo, Honey will not spoil, ever. For sure marami nabili ng honey wheter it be wholesale or retail. Minsan nga galit pa ang ibang buyer at kulang ang nabili nila.
Hope nakatulong. Let us know if you have any other questions, marami beeks ang willing tumulong dito.
|